Las Piñas News

Las Pinas turns over compactor carbage truck
Itinurn-over na kahapon, January 31,2021, ng Las Piñas City Government ang anim na bagong Compactor Garbage Truck sa tanggapan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na gagamitin sa tuluy-tuloy na clearing operation at clean-up drive sa iba't ibang lugar sa lungsod para mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran upang makaiwas tayo sa mga sakit.
Nagkaroon ng pagkaantala sa delivery at pagdating ng mga bagong truck na binili ng Lokal na Pamahalaan ng Las Pinas dahil sa pandemya.
Prayoridad pa rin ng Las Piñas City Government ang seguridad sa kalusugan,kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.
Muli pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat,maging disiplinado at patuloy na sumunod sa health and safety protocols.