Las Piñas News

Las Pinas CVSO and CAO inspect public market
Bilang pagtitiyak na mahigpit na maipatutupad ang implementasyon ng 60-araw na price ceiling ng karne ng baboy at manok ,nagpapatuloy ang isinasagawang price monitoring at sorpresang inspeksiyon ng Las Pinas City Government sa pangangasiwa ng City Veterinary Services Office at City Agriculture Office, sa mga supermarket, pamilihang bayan at talipapa sa ating lungsod.
Ngayong araw, February 8,2021, ininspeksiyon nina CVSO meat inspector Jerome Maapoy at CAO staff Marivic Bosque ang loob at labas ng Zapote Market at Annex Talipapa upang i-monitor ang mga presyo ng karne ng baboy at manok maging ng iba pang pangunahing bilihin.
Layunin nitong madetermina kung nasusunod ang price ceiling na itinakda ng gobyerno matapos ang malaking pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at manok sa mga pamilihan sa Metro Manila sa panahon ng pandemya.
Ang mga mahuhuling lalabag ay iisyuhan ng show cause order o maaaring suspensiyon ng lisensiya sa kanilang pagtitinda.
Asahan ang pag-iikot ng mga kinatawan ng CVSO at CAO sa iba't ibang lugar sa lungsod.
Muli pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat,maging disiplinado at patuloy na sumunod sa health and safety protocols.
Share your thoughts with us
Related Articles

Pasay records 468 active Covid cases
A total of 98 new infections raised Pasay City’s active coronavirus disease 2019 (Covid-19) tally to 465 as of Thursday, according to a report by Philippine News Agency. Some 56 barangays are under enhanced community quarantine (ECQ) whil...

PH Navy to support vaccination rollout
The Philippine Navy on Friday (Feb. 26) has offered the Manila City government added support for the COVID-19 mass vaccination rollout, according to a report by Manila Bulletin. Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso met with Col....

San Juan gets perfect grade for road clearing operations
San Juan City received a perfect grade by Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. for its obstruction-free roads and sidewalks, according to a report by Manila Bulletin. In November 2020, the Department of Interio...

Valenzuela asks telcos to fix internet problems
Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian met with representatives of telecommunications companies (telcos) on Friday and asked them to step up their efforts to address network issues and intermittent connectivity problems, according to a report by P...