Las Piñas News

Vaccine Code Team visits Las Pinas
Nagsagawa ng pagbisita sa Las Piñas City ang COVID-19 Vaccine Code Team sa pangunguna ni Inter-Agency Task Force (IATF) Chairperson at Department of Health (DOH) Secretary Francisco T. Duque III upang alamin ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan sa isasagawang malawakang pagbabakuna sa lungsod sa pagdating ng mga bakuna sa bansa ngayong Pebrero.
Mainit tinanggap nina Las Piñas City Mayor Imelda "Mel" T. Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar si Sec. Duque at ng buong CODE Team kasama sina DOH Assistant Regional Director Ma. Paz Corrales, Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Marcelo C. Morales, Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevarra, Assistant Bureau Director National Barangay Operations Office (NBOO-DILG) Director Debbie T. Torres, CESO V, at iba pang kinatawan ng DOH at ng Presidential Communications Operations Office.
Bilang patunay na handang-handa na ang Lokal na Pamahalaan ng Las Pinas sa mass vaccination program sa lungsod,iprinisinta sa CODE Team ni Dr. Juliana Gonzales,ng City Health Office, ang local COVID-19 Situation Report ng Las Piñas City at COVID-19 Vaccination Plan gayundin ang matagumpay na simulation o dry-run ng vaccination ng lungsod na isinagawa nitong Lunes,February 8,2021 sa vaccination site sa Las Piñas Elementary School Central sa P. Diego Cera, Barangay Elias Aldana,upang ipakita sa publiko ang maayos, komprehensibo at konkretong plano sa pagbabakuna habang nasusunod ang mga itinakdang pamantayan at proseso para tiyakin ang kaligtasan ng mga magpapabakuna at maiwasan ang posibleng pagkalat ng mga sakit sa lungsod.
Tiniyak ng Las Piñas City Government na ligtas at epektibo ang mga bakunang papasok sa lungsod kasabay ng panawagan sa mga Las Piñeros ng kanilang kooperasyon sa mass vaccination program ng gobyerno.
Pinuri naman ng CODE Team ang maayos at konkretong vaccination plan ng Las Piñas gayundin ang COVID response nito para pigilan ang pagkalat ng mga sakit.
Samantala,nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat si Mayor Mel Aguilar sa CODE Team sa walang sawa sa pagsuporta sa hakbangin at mabuting adhikain ng Lokal na Pamahalaan upang sama-samang labanan ang COVID-19 pandemic sa lungsod.
Pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat,maging disiplinado at patuloy na sumunod sa health and safety protocols.
Share your thoughts with us
Related Articles

PH Navy to support vaccination rollout
The Philippine Navy on Friday (Feb. 26) has offered the Manila City government added support for the COVID-19 mass vaccination rollout, according to a report by Manila Bulletin. Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso met with Col....

San Juan gets perfect grade for road clearing operations
San Juan City received a perfect grade by Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. for its obstruction-free roads and sidewalks, according to a report by Manila Bulletin. In November 2020, the Department of Interio...

Pasay records 468 active Covid cases
A total of 98 new infections raised Pasay City’s active coronavirus disease 2019 (Covid-19) tally to 465 as of Thursday, according to a report by Philippine News Agency. Some 56 barangays are under enhanced community quarantine (ECQ) whil...

Valenzuela asks telcos to fix internet problems
Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian met with representatives of telecommunications companies (telcos) on Friday and asked them to step up their efforts to address network issues and intermittent connectivity problems, according to a report by P...